Idineklara ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na special non-working day ang Agosto 30 sa San Juan City.
Ito ay para sa paggunita sa Pinaglabanan Day.
“Whereas, it is but fitting and proper that the people of the City of San Juan be given full opportunity to participate in the occasion and enjoy the celebration,” saad ng Proclamation No. 328.
Nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang proklamasyon noong Agosto 24.
Idineklara rin ni Pangulong Marcos na special non-working day ang Setyembre 29 sa Masbate City.
Ito ay para sa 23rd Cityhood Anniversary.
MOST READ
LATEST STORIES