Pagtatatag ng specialty centers sa mga regional hospitals, batas na

 

Nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang bagong batas na magtatatag ng institutionalize na healthcare centers sa mga rehiyon.

Nakasaad sa Republic Act No. 11959 o Regional Specialty Centers Act na obligado na ang Department of Health na maglagay ng specialty centers sa mga ospital nito sa bawat rehiyon sa buong bansa.

Layunin ng bagong batas namatiyak ang accessible at abot-kayang serbisyong pangkalusugan para sa lahat.

Bukod sa DOH hospitals, sakop rin ng batas ang government owned and controlled corporations specialty hospitals.

Target maserbisyuhan ng itatatag na specialty centers ang mga maysakit na cancer, sakit sa puso, baga, bato at iba pa.

Una nang sinabi ng Pangulo na hindi niya matitiis na makitang may mga Filipinong nagdurusa sa sakit dahil walang mapuntahang pagamutan.

Iginiit rin nito na hindi naman pribilehiyo ang health care kundi karapatan ng bawat mamamayan na dapat natutugunan ng pamahalaan.

 

 

Read more...