Villar: Pagsasanay sa mga magsasaka makakatulong sa food security

By Jan Escosio August 29, 2023 - 01:00 PM
Kumpiyansa si Senator Cynthia Villar na malaking tulong sa mga magsasaka ang patuloy na pagsasanay nila.   Pagbabahagi ni Villar dumadami ang bilang ng mga magsasaka na sumasailalim sa libreng pagsasanay sa Villar Farm Schools.   Paliwanag nang namumuno sa Senate Committee on Agriculture sa mga pagsasanay, bukod sa nadadagdagan ang kaalaman ng mga nabubuhay sa sektor ng agrikultura madadagdagan ang kanilang produksyon kayat tataas ang kanilang kinikita.   Nabatid na sa “Training of Trainers on Agricrop Production,” kasama ang East West Seeds Foundation na idinaos sa Villar Farm School sa Las Piñas-Bacoor, tiniyak ng senadora na patuloy silang magtuturo sa mga Filipino kung paano magtanim ng gulay sa kanilang bakuran o sakahan.

“This is a way to afford everybody an opportunity to produce their own nutritious food. This is also  a means  to augment the income of farmers and help reduce their daily expenses on food. The training has different modules of vegetable production from basic planting and care of vegetables to land preparation, seed selection, soil nutrient and management and care and maintenance of planted vegetables,” dagdag pa ni Villar.

Itinuturo sa pagsasanay ang pagkilala at paggawa ng mga kinauukulang hakbang sa mga insekto at peste hanggang sa pag-ani at post-harvesting, bukod pa sa pagbebenta ng mga produkto.

Pakatapos  ng apat na araw na training, sinabi ni Villar na tatanggap ang mga lumahok ng “Certificate  of Completion.”

Binuksan noong 2015 ang unang farm school na nasa Las Piñas at Bacoor, Cavite katabi ng Molino Dam at nadagdagan pa ng tatlo, sa San Jose del Monte City, Bulacan, sa San Miguel, Iloilo at sa Buhangin District, Davao City.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.