Napanatili ng Bagyong Goring ang lakas habang kumikilos sa hilagang-kanluran.
Base sa 11:00 advisory ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration, namataan ang sentro ng bagyo sa 180 kilometro silangan ng Aparri, Cagayan.
Taglay ng bagyo ang hangin na 155 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugso na 190 kilometro kada oras.
Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 3 sa timog na bahagi ng Batanes (Sabtang, Uyugan, Ivana, Mahatao, Basco) at hilagang-silangang bahagi ng Babuyan Islands.
Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 sa natitirang bahagi ng Batanes at Babuyan Islands at hilagang-silangang bahagi ng mainland Cagayan (Santa Ana, Gonzaga).
Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa hilaga at silangang bahagi ng mainland Cagayan (Camalaniugan, Pamplona, Santa Teresita, Baggao, Buguey, Claveria, Aparri, Ballesteros, Abulug, Sanchez-Mira, Santa Praxedes, Allacapan, Lal-Lo, Lasam, Peñablanca, Iguig, Amulung, Gattaran, Alcala, Santo Niño), silangang bahagi ng Isabela (Dinapigue, San Mariano, Ilagan City, Tumauini, San Pablo, Cabagan, Maconacon, Divilacan, Palanan), hilagang bahagi ng Apayao (Flora, Calanasan, Luna, Pudtol, Santa Marcela), at hilagang bahagi ng Ilocos Norte (Vintar, Pasuquin, Burgos, Dumalneg, Adams, Pagudpud, Bangui).
Asahan na ang malakas na pag-ulan sa mga nabanggit na lugar.