Police operational procedures rerebisahin dahil sa pagkamatay ng mga menor-de-edad

By Jan Escosio August 29, 2023 - 09:13 AM

Ikinukunsidera na ng pambansang-pulisya ang pagrebisa sa kanilang “operational procedures” kasunod na rin ng pagkakapatay ng mga pulis sa dalawang menor-de-edad sa Navotas City at Rizal Province. Pagbabahagi ng PNP spokesperson, Col. Jean Fajardo, nang mapatay si Jemboy Baltazar ng mga pulis-Navotas, nagkaroon na ng serye ng mga pagpupulong para rebisahin ang police operational procedures. Aniya, isa na sa mga nais maikundsidera ay ang pagpapanagot ng “commanders” sa kapalpakan ng kanilang mga tauhan. Matapos ang pagkakapatay kay Baltazar, napatay naman ang 15-anyos na si John Francis Ompad sa bayan ng Rodriguez sa Rizal. Si Ompad ang tinamaan ng bala ng sinasabing warning shot ng pulis para sa kanyang kuya, na tinakasan ang isang police checkpoint. Ang Commission on Human Rights (CHR) ay nagpahayag na ng labis na pagkabahala sa magkahiwalay na insidente na kinasasangkutan ng mga pulis.

TAGS: crime, Jean Fajardo, menor de edad, PNP, crime, Jean Fajardo, menor de edad, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.