Reelectionist barangay chairman itinumba sa Albay

Ilang oras matapos maghain ng kanyang certificate of candidacy (COC) kahapon, pinatay ang isang punong barangay sa Libon, Albay.   Kinilala ang biktima na si Alex Repato, ng Barangay San Jose, ng naturang bayan.   Pinatay si Repato ala-5 ng hapon at naghain siya ng COC dakong alas-11 ng tanghali.   Nangyari ang insidente, limang araw matapos patayin naman ang mag-asawang Alfredo at Relly Mata sa Barangay Nogpo, ng naturang bayan.   Si Relly ay kagawad naman sa kanilang barangay.   Inaalam pa kung ang nabanggit na pagpatay sa dalawang opisyal ay may kinalaman sa papalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Read more...