Babuyan Islands nasa Signal No. 3 dahil sa Bagyong Goring

By Chona Yu August 29, 2023 - 08:08 AM

 

Napanatili ng Bagyong Goring ang lakas habang tinatahak ang Luzon Strait.

Base sa 5:00 a.m. advisory ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration, namataan ang sentro ng  bagyo sa 220 kilometro silangan ng Aparri, Cagayan.

Taglay ng bagyo ang hangin na 155 kilometro kada oras at pagbugso na 190 kilometro kada oras.

Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 3 sa hilagang-silangang bahagi ng Babuyan Islands habang nasa Tropical Cyclone Wind Signal No.2 ang Batanes, natitirang bahagi ng Babuyan Islands, at extreme northeastern portion ngmainland Cagayan (Santa Ana, Gonzaga).

Nakataas naman ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa hilaga at silangang bahagi ng mainland Cagayan (Camalaniugan, Pamplona, Santa Teresita, Baggao, Buguey, Claveria, Aparri, Ballesteros, Abulug, Sanchez-Mira, Santa Praxedes, Allacapan, Lal-Lo, Lasam, Peñablanca, Iguig, Amulung, Gattaran, Alcala, Santo Niño), silangang bahagi ng Isabela (Dinapigue, San Mariano, Ilagan City, Tumauini, San Pablo, Cabagan, Maconacon, Divilacan, Palanan), hilagang bahagi ng Apayao (Flora, Calanasan, Luna, Pudtol, Santa Marcela), at hilagang bahagi ng Ilocos Norte (Vintar, Pasuquin, Burgos, Dumalneg, Adams, Pagudpud, Bangui).

Asahan na ang malakas na ulan sa mga nabanggit na lugar.

Sa Agosto 31 inaasahang lalabass ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo.

 

 

TAGS: Babuyan islands, Bagyong Goring, news, Pagasa, Radyo Inquirer, Babuyan islands, Bagyong Goring, news, Pagasa, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.