9 na lugar sa Luzon nasa Signal No.1 dahil sa Bagyong Goring

 

Humina na ang Bagyong Goring.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration, posibleng bumalik sa super typhoon category ang bagyo bukas, Agosto 29.

Namataan ang sentro ng bagyo sa 210 kilometro ng Silangan ng Casiguran, Aurora.

Taglay ng bagyo ang hangin na 175 kilometro kada oras at pagbugso na 215 kilometro kada oras.

Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa Batanes, Babuyan Islands, hilaga at silangang bahagi ng mainland Cagayan  (Camalaniugan, Pamplona, Gonzaga, Santa Teresita, Baggao, Buguey, Santa Ana, Claveria, Aparri, Ballesteros, Abulug, Sanchez-Mira, Santa Praxedes, Allacapan, Lal-Lo, Lasam, Peñablanca, Iguig, Amulung, Gattaran, Alcala), silangang bahagi ng Isabela (Dinapigue, San Mariano, San Guillermo, Ilagan City, Tumauini, San Pablo, Cabagan, Maconacon, Divilacan, Palanan), hilaga at sentrong bahagi ng Aurora (Casiguran, Dinalungan, Dilasag, Baler, Dipaculao, Maria Aurora, San Luis), Polillo Islands, hilaga at silangang bahagi ng Camarines Norte (Capalonga, Jose Panganiban, Paracale, Vinzons, Talisay, Daet, Mercedes) kasama na ang Calaguas Islands, hilagang bahagi ng Camarines Sur  (Siruma, Tinambac, Lagonoy, Garchitorena, Caramoan), at hilagang bahagi ng Catanduanes (Panganiban, Caramoran, Viga, Bagamanoc, Pandan).

Ayon sa PAGASA, asahan na ang pag-ulan sa mga lugar na tatamaan ng bagyo.

 

 

Read more...