Church lay leaders na kakandidato sa BSKE, pinagbibitiw sa church organization
Pinagbibitiw ni Malolos, Bulacan Bishop Dennis Villarojo ang mga opisyal at miyembro ng church organization na kakandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Oktubre 30.
Base sa circular na inilabas ni Villarojo, ito ay para hindi mahaluan ng pulitika ang simbahan.
“All incumbent officers and members of different church organizations who wish to be elected as public officials should file a leave of absence addressed to their respective parish priests,” pahayag ni Villarojo.
“In failure to do so, they will be automatically resigned from their posts effective upon their filing of certificate of candidacy,” daagdag ng obispo.
Sabi ni Villarojo, bagamat hinihimok ng simbahang katolika ang publiko na makilahok sa pulitika, mas makabubuti kung magbibitiw na muna sa kanilang hanay ang mga opisyal at mga miyembro ng organisasyon para maiwasan ang kalituhan.
“In this regard, we wish to guard our faithful against possible accusations of using the church for partisan exercise,” pahayag ni Villarojo.
Maari naman aniyang bumalik sa simbahan ang mga natalong kandidato pero dependa sa parish priest.
Ipinagbabawal ng obispo ang paggamit sa mga pasilidad ng simbahan sa panahon ng eleksyon pati na ang pagsusuot ng mga church organization shirts.
“We hope that our brothers and sisters who seek to be elected as public officials will bring with them the values of Christ in this wonderful venture, prioritizing the common good, justice, peace, with a love of preference for the poor and in the spirit of Christian service,” pahayag ni Villarojo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.