Patay ang 12 katao matapos mauwi sa stampede ang pagbubukas ng Indian Ocean Island Games sa national stadium ng Madagascar.
Ayon sa ulat, nasa 80 katao ang nasugatan sa stampede at isinugod na sa ospital.
Sa 80 sugatan, 11 ang nasa kritikal na kondisyon.
Taong 2019 nang magkaroon ng stampede sa Mahamasina stadium na ikinasawi ng 15 katao.
Ang Indian Ocean Island Games ay binuo ng International Olympic Committee (IOC) noong 1977 kung saan kasapi nito ang Mauritius, Seychelles, Comoros, Madagascar, Mayotte, Réunion at Maldives.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.