Surallah, South Cotabato niyanig ng 5.0 magnitude na lindol
Niyanig ng 5.0 magnitude na lindol ang Surallah, South Cotabato kaninang 3:13 ng umaga, Agosto 26.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, tectonic ang origin ng lindol na may lalim na 9 na kilometro.
Naramdaman ang Intensity IV sa Surallah, Banga, Tampakan, Tupi, T’Boli, at Koronadal sa South Cotabato; Maasim, Alabel, Glan, at Malapatan sa Saranggani at sa General Santos.
Nasa Intensity III naman sa Lake Sebu sa South Cotabato at Malungon sa Sarangani.
Naramdaman ang Intensity II sa Maitum sa Sarangani.
Ayon sa Phivolcs, asahan na ang mga aftershocks matapos ang lakas na lindol.
Asahan na rin ayon sa Phivolcs na may mga nasirang ari-arian dahil s amalakas ang lindol.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.