Gilas Pilipinas talo sa Dominican Republic sa Fiba World Cup

By Chona Yu August 26, 2023 - 07:00 AM

 

Talo ang Gilas Pilipinas sa Dominican Republic sa iskor na 87-81 sa pagbubukas ng 2023 Fiba World Cup sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Ito ay kahit na kumamada ng 28 puntos ang pambato ng Pilipinas na si Jordan Clarkson.

Bukod sa 28 puntos, nakapagtala rin si Clarkson ng pitong rebounds at pitong assists.

Pero hindi natapos ni Clarkson ang laro matapos makapagtala ng limang foul sa ikaapat na quarter.

Labing anim na puntos at pitong reboudns naman ang idinagdag ni June Mar Fajardo habang 13 putnos ang kay Dwight Fajardo.

Pero tinapatan ng Dominican Republic ang mga puntos ng Pilipinas.

Nasa 26 puntos at 10 rebounds ang ginawa ng NBA All-Star Karl Anthony Towns dahilan para iangat ang Dominican Republic.

Personal na nanood si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa laban ng Gilas Pilipinas.

Nagkaroon pa ng photo opportunity ang Pangulo sa second half ng laro.

 

TAGS: Fiba World Cup, Gilas Pilipinas, jordan clarkson, news, Radyo Inquirer, sports, Fiba World Cup, Gilas Pilipinas, jordan clarkson, news, Radyo Inquirer, sports

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.