Cagayan at Isabela nasa Signal No.2 dahil sa Bagyong Goring

By Chona Yu August 26, 2023 - 06:46 AM

 

Lalo pang lumakas ang Bagyong Goring habang tinatahak ang sea east ng Babuyan Islands.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration,  namataan ang sentro ng bagyo sa 185 kilometro silangan hilagang-silangan ng Aparri, Cagayan.

Kumikilos ang bagyo sa timog-kanluran sa bilis na 10 kilometro kada oras.

Taglay ng bagyo ang hangin na 140 kilometro kada oras at pagbugso na 170 kilometro kada oras.

Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 sa extreme northeastern portion ng mainland Cagayan (Santa Ana, Gonzaga) at extreme northeastern portion ng Isabela (Divilacan, Palanan, Maconacon).

Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa Batanes, Babuyan Islands, silangang bahagi ng mainland Cagayan (Lal-Lo, Gattaran, Baggao, Peñablanca, Santa Teresita, Buguey, Camalaniugan, Aparri, Ballesteros, Allacapan), silangang bahagi ng Isabela (Dinapigue, San Mariano, San Pablo, Cabagan, Tumauini, Ilagan City), at hilagang bahagi ng Aurora (Dilasag, Casiguran).

Asahan na ang malakas na ulan sa mga lugar na tatamaan ng bagyo.

 

TAGS: Bagyong Goring, Cagayan, isabela, news, Pagasa, Radyo Inquirer, Bagyong Goring, Cagayan, isabela, news, Pagasa, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.