Bagyong Goring naging severe tropical storm na

By Chona Yu August 25, 2023 - 06:37 PM

 

Naging severe tropical storm na ang Bagyong Goring.

Base sa 5:00 p.m advisory ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration, kumikilos ang bagyo sa direksyo na timog-silangan.

Namataan ang sentro ng bagyo sa silangan ng Calayan, Cagayan.

Taglay ng bagyo ang hangin na 110 kilometro kada oras at pagbugso na 135 kilometro kada oras.

Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No.1 sa Batanes, silangan na bahagi ng Babuyan Islands (Babuyan Is., Camiguin Is.), silanga na bahagi ng mainland Cagayan (Santa Ana, Gonzaga, Lal-Lo, Gattaran, Baggao, Peñablanca, Santa Teresita, Buguey, Camalaniugan, Aparri), at silangan na bahagi ng Isabela (Maconacon, Divilacan, Palanan, Dinapigue, San Mariano, San Pablo, Cabagan, Tumauini, Ilagan City).

Asahan na ang malakas na ulan sa mga lugar na tatamaan ng bagyo.

 

 

TAGS: Bagyong Goring, news, Pagasa, Radyo Inquirer, Severe tropical storm, Bagyong Goring, news, Pagasa, Radyo Inquirer, Severe tropical storm

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.