Isa pang Pinoy, patay sa wildfire sa Hawaii

 

Isa pang Filipino ang nasawi sa wildfire sa Hawaii.

Ayon sa ulat ng Inquirer, nakilala ang nasawi na si Salvador Coloma, 77 anyos.

Si Coloma ang ikatlong Filipino na nasawi sa wildfire sa Hawaii.

Una nang nasawi sa sunog sina Alfredo Galinato, 79 anyos at Rodolfo Rocutan, 76 anyos.

Ipinaalam na ng embahada ng Pilipinas sa pamilya ni Coloma ang nangyari.

 

 

Read more...