Pagtataas sa pensyon sa mga beterano aprubado na ni Pangulong Marcos
Tatlong bagong batas ang inaprubahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Unang inaprubahan ni Pangulong Marcos ang Republic Act 11958 o “An Act Rationalizing the Disability Pension of Veterans.”
Sa ilalim ng bagong batas, tataas ang pensyon ng mga beterano na naging disable habang tumutupad sa tungkulin.
Inaprubahan din Pangulong Marcos ang Republic Act No. 11960 o ‘An Act Institutionalizing the One Town, One Product (OTOP) Philippines Program, Appropriating Funds Therefor, and for Other Purposes,’ otherwise known as the OTOP Philippines Act.
Inaprubahan din ng Pangulo ang Republic Act No. 11961 o ‘An Act Strengthening the Conservation and Protection of Philippine Cultural Heritage Through Cultural Mapping and Enhanced Cultural Heritage Education Program, amending for the Purpose Republic Act No. 10066, Otherwise Known as the “National Cultural Heritage Act of 2009.”
Nilagdaan n ani Executive Secretary Lucas Bersamin ang transmittal letter na nagbibigay ng abiso sa dalawang Kapulungan ng Kongreso na aprubado na ni Pangulong Marcos ang tatlong bagong batas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.