Unang bagyo para sa 2016 papasok sa PAR ngayong araw

Ambo01
Pagasa

Inaasahang magiging isang ganap na bagyo anumang oras mula ngayon ang sama ng panahon na binabantayan ng Pagasa na may layong 850 KM Silangan ng Surigao City.

Sa kanilang 11am weather bulletin, inihayag ng Pagasa na isa pang sama ng panahon ang kanilang namataan sa layong 160 KM Southeast ng Hinatuan Surigao del Sur.

Ang nasabing mga sama ng panahon ay lalong magpapa-ibayo sa Intertropical Convergence Zone (ITCZ) na magdadala naman ng mga pag-ulan sa Southern Tagalog Region gayundin sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao.

Sinabi ni senior weather forecaster Aldzar Aurelio na kapag naging ganap na bagyo ang nabasabing sama ng panahon ay papangalanang “Ambo”.

Ito ang kauna-unahang bagyo sa loob ng Philippine Area of Responsibility para sa taong kasalukuyan.

Read more...