Target ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ipagpatuloy ang joint military exercises sa Australian forces.
Sa panayam kay Pangulong Marcos sa Zambales, sinabi nito na layunin ng joint military exercises na mapalakas pa ang kapabilidad ng dalawang bansa.
Sabi ni Pangulong Marcos, nais niya itong talakayin kay Australian Prime Minister Anthony Albanese sa pagbisit sa bansa sa susunod na buwan.
“Alam naman ninyo pagka maganda ang coordination, lalong lalo na pag sa military, napakalaki ng multiplier effect and that’s why it is important that we continue that,” pahayag ni Pangulong Marcos.
“That’s certainly going to be part of the discussion that I will be having with the Prime Minister when he comes, Prime Minister Albanese when he comes to visit us here in the Philippines,” dagdag ng Pangulo.
Kumpiyansa si Pangulong Marcos na magiging mabunga ang kanilang pag-uusap ni Albanese.
“And I’m sure that we will come up with some new strategies and some new ideas, agreements, and in terms of partnerships between our two countries. And of course, the security and defense which are going to be part of that, but that will be one part of many things that we will be discussing,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Nasa Zambales si Pangulong Marcos para saksihan ang amphibious landing military exercise ng Pilipinas, Australia at Amerika.