DepEd: Three shifts ng klase sa mga paaralan na dagsa ang enrollees
(Photo: DepEd)
Mapipilitan ang ilang pampublikong paaralan na magpatupad ng double hanggang triple shifts sa pagsisimula muli ng mga klase dahil sa napakataas na bilang ng enrolleees.
Ito ang sinabi ng Department of Education (DepEd), na mangangahulugan ng bawas oras sa mga klase.
Inamin ni Education Assistant Secretary Francis Cesar Bringas na napakahirap na maabot ang ideal ratio na 35 students per classroom lalo na sa “highly urbanized areas.”
Aniya may mga sitwasyon na ang isang titser ay nagtuturo sa klase na may hanggang 60 estudyante.
Dagdag pa niya ang ideal student per classroom ratio ay mahirap abutin bunga ng kakapusan sa mga silid-paaralan.
Ayon pa kay Bringas may mga sitwasyon na sa kabila ng tatlong shifts ng klase, sobrang dami ng estudyante.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.