Tropical Storm Goring, lumakas; Signal No.1 ibinabala sa ilang lugar

 

Bahagyang lumakas ang Tropical Storm Goring.

Base sa 5:00 a.m. advisory ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration, namataan ang sentro ng bagyo sa 220 kilometro silangan timog-silangan ng Basco, Batanes.

Taglay ng bagyo ang hangin na 75 kilometro kada oras at pagbugso na 90 kilometro kada oras.

Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa Batanes, silangang bahagi ng Babuyan Islands (Babuyan Is., Camiguin Is.), silangang bahagi ng mainland Cagayan (Santa Ana, Gonzaga, Lal-Lo, Gattaran, Baggao, Peñablanca), hilagang-silangan na bahagi ng Isabela (Maconacon, Divilacan, Palanan).

Asahan na ang mas malakas na ulan sa bulubunduking bahagi ng bansa.

Sabi ng PAGASA, palalakasin ng Tropical Storm Goring ang Southwest Monsoon at magdadala ng panaka-nakang pag-ulan sa kanlurang bahagi ng Central Luzon at Southern Luzon simula bukas.

Mabagal ang pagkilos ng bagyo.

Read more...