Tuloy ang pamamahagi ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ng libreng school supplies sa mga estudyante sa mga pampublikong paaralan sa lungsod.
Personal na iniabot ni Belmonte ang school supplies sa mga estudyante sa Esteban Abad Elementary School, Lucas R. Pascual Elementary School, Rosa Susano Elementary School, Payatas Elementary School, Cubao Elementary School, at Pinyahan Elementary School.
Nasa 458,000 na school supplies ang ipamamahagi ng lokal na pamahalaan sa mga estudyante.
Bukod sa school supplies, namigay rin si Belmonte ng tablet sa mga estudyante sa Grade 1 hanggang Senior High School.
Isasailalim rin ang mga estudyante sa eye check-up para malaman kung kailangan nila ng salamin.
Patuloy din ang pagsasaayos ng lungsod sa mga pasilidad at equipment ng mga paaralan.