Magkakaibang hirit magpapatagal sa desisyon sa dagdag-pasahe
Sinabi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na ang magkakaibang hirit ng transport groups ukol sa taas-singil sa pasahe ang magpapatagal sa pagdedesisyon sa isyu.
“Kung iisa lang po sana ang boses nila, mas madali pong magdesisyon dahil kung ano yung hinihingi nila, yun lang po ang aming lilitisin at bibigyan ng pansin,” sabi ni LTFRB chairperson Teofilo Guadiz.
Aniya ito ang magiging dahilan para magtagal ang pagbuo ng “fare matrix” para sa sektor ng pampublikong transportasyon at sa mga mananakay.
Kamakalawa ang Pasang Masda, Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO), at Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines (ALTODAP) ay naghain ng petisyon na humihingi ng P5 dagdag sa minimum fare.
Bukod pa sa P1 na provisional fare increase habang pinag-aaralan ang kanilang petisyon.
Bago pa ito, ang Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas (LTOP), PISTON, Stop and Go Transport Coalition and the Federation of Jeepney Drivers Association of the Philippines (FEJODAP) ay humiirit ng P2 dagdag sa minimum fare.
Ang pagtaas ng halaga ng mga produktongf-petrolyo ang kanilang ikinatuwiran sa kanilang petisyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.