Tropical Depression Goring napanatili ang lakas habang nasa Basco, Batanes

 

Napanatili ng Tropical Depression Goring ang lakas habang kumikilos sa hilaga hilagang-kanluran ng Philippine East ng Basco, Batanes.

Base sa 11:00 a.m. advisory ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Administration, namataan ang sentro ng tropical depression ng 355 kilometro silangan hilagang-kanluran ng Calayan, Cagayan o 300 kilometro silangan ng Basco, Batanes.

Kumikilos ang tropical depression sa bilis na 15 kilometro akda oras sa hilaga hilagang kanluran.

Taglay ng tropical depression ang hangin na 55 kilometro kada oras at pagbugso na 70 kilometro kada oras.

Wala pa namang itinataas na Tropical Cyclone Wind Signal ang PAGASA.

Asahan na ang malakas na pag-ulan sa ilang lugar sa bansa sa susunod na tatlong araw.

Maari ring palakasin ng tropical depression ang Southwest Monsoon simula sa Linggo o Lunes.

Read more...