Niyanig ng 5.1 magnitude na lindol ang Bansud, Oriental Mindoro kaninang 1:38 ng umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, tectonic ang origin ng lindol na may lalim na isang kilometro.
Naramdaman ang Intensity V sa bayan ng Pinamalayan at Intensity IV sa Bansud at Gloria sa Oriental Mindoro.
Ayon sa Phivolcs, nagkaroon kaagad ng aftershock matapos ang lindol na umabot sa 4.2 magnitude ng bandang 1:42 ng umaga.
Wala namang naiulat na nasirang ari-arian matapos ang lindol.
MOST READ
LATEST STORIES