Walang pagtaas sa budget ng pagkain, gamot ng mga bilanggo sa susunod na taon

By Jan Escosio August 24, 2023 - 08:01 AM

 

Sa kabila nang pagtaas ng halaga ng mga pangunahing bilihin, sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na walang magiging pagbabago sa budget para sa pagkain at gamot ng mga bilanggo.

Mananatili sa P70 ang budget sa pagkain at P15 naman sa kanilang mga gamot kada araw.

Sa pagdinig ng House Committee on Appropriations para sa 2024 budget ng kagawaran, pinuna ni ACT Teachers Party-list Rep. France Castro ang hindi nagbagong budget para sa mga bilanggo.

Sinabi ni Remulla, hiniling na nila sa Department of Budget and Management (DBM) na itaas ang mga halaga sa P100 para sa pagkain at doblehin sa P30 ang para sa gamot.

Ayon pa kay Remulla may iba pa silang hiniling sa DBM ngunit hindi napagbigyan katulad na lamang ng pagpapagawa ng mga bagong kulungan.

Nabatid na kung pagbibigyan ang pagtaas sa budget sa pagkain at gamot ng mga bilanggo, mangangailangan ng P3 bilyon.

TAGS: bilannggo, Crispin Remulla, news, Radyo Inquirer, bilannggo, Crispin Remulla, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.