Mga kondisyon sa Pacific Ocean dahil sa El Niño lumakas pa
Mula sa “weak” naging “moderate” na ang mga kondisyon dala ng El Niño sa tropical Pacific Ocean, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Tinataya na mas titindi pa sa mga darating na buwan ang kondisyon ay may posibilidad na umakyat pa sa “strong.”
Paliwanag ng ahensiya ang pagtindi ng mga kondisyon ay bunga ng epekto nito sa “climate pattern.”
Maaring sa daratingna Oktubre ay magsimula nang maramdaman ng husto ang epekto nito sa paghina ng habagat.
Sa pagtataya ito ay maaring mangyari sa pagitan ng buwan ng Nobyembre hanggang sa Enero sa susunod na taon.
Bagamat ang El Niño ay nagreresulta sa “below-average” na pag-ulan maaring maging “above-normal” ito sa kanlurang bahagi ng bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.