Tropical Depression Goring, humahagupit sa Aparri, Cagayan

By Chona Yu August 24, 2023 - 07:07 AM

 

Ganap nang naging Tropical Depression Goring ang low pressure area na binabantayan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na nasa Philippine Sea East of Aparri, Cagayan.

Base sa 5:00 a.m. advisory ng PAGASA, namataan ang sentro ng tropical depression sa 400 kilometro silangan  hilagang-silangan ng Aparri, Cagayan.

Taglay ng tropical depression ang hangin na 55 kilometro kada oras at pagbugso na 70 kilometro kada oras.

Mabagal na kumikilos ang tropical depression sa kanluran hilagang-kanluran.

Wala pa namang itinataas na Tropical Cyclone Wind Signal ang PAGASA.

Asahan na ang malakas na pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa sa susunod na tatlong araw.

 

TAGS: Bagyo, goring, news, Pagasa, Radyo Inquirer, Bagyo, goring, news, Pagasa, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.