Tubig-ulan magandang solusyon sa kakapusan sa suplay ng tubig – Revilla

SENATE PRIB PHOTO

Ang pagkolekta ng tubig-ulan ang isa sa mga nakikitang solusyon ni Senator Ramon “Bong” Revilla Jr., sa kakapusan ng suplay ng tubig.

Ayon kay Revilla tatalakayin ng pinamumunuan niyang Committee on Public Works ang mga panukala ukol sa Rain Water Harvesting (RHW), ang pagkolekta ng tubig-ulan upang mapakinabangan.

Sinabi ng senador na nararamdaman na ng lahat ang mga epekto ng climate change at marami na aniya ang nagsabi na ang kinahaharap na ng mundo ngayon ay “climate crisis.”

Binanggit niya ang nakasaad sa United Nations World Water Development Report na ang populasyon sa mundo na nahaharap sa kakapusan ng tubig ay lolobo sa 2.4 bilyon sa 2050 mula sa 930 milyon noong 2016.

Dagdag pa ni Revilla na base sa RA 6716, na sinimulang ipatupad noon pang 1989, kasama sa mga responsibilidad ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang gumawa ng rainwater collectors sa lahat ng barangay sa bansa.

Aniya nais niyang malaman kung naikasa ng maayos ng DPWH ang naturang probisyon sa bansa makalipas ang tatlong dekada.

 

 

Read more...