1,100 pa ang nawawala sa Maui wildfire

By Jan Escosio August 23, 2023 - 03:27 PM

CDN PHOTO

Dalawang linggo makalipas ang wildfires sa Maui, Hawaii, tinatayang may 1,100 katao pa ang nawawala.

Ang US Federal Bureau of Investigation (FBI) ay humingi na ng tulong sa mga nawawalan ng kapamilya para makilala ang mga labi ng mga nasawi.

Sa pinakahuling tala, 115 ang kumpirmadong nasawi, kabilang ang dalawang Filipino.

Ang bayan ng Lahaina, na may 12,000 residente, ay nabura na sa mapa.

Nagtutulong-tulong na ang FBI, ang lokal na pulisya at ang Red Cross para makilala na ang iba pang nasawi.

 

TAGS: FBI, hawaii, red cross, wildfire, FBI, hawaii, red cross, wildfire

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.