Nakatutok ngayon ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa low pressure area (LPA) sa Hilagang Luzon dahil sa posibilidad na maging bagyo ito sa mga susunod na araw.
Huling namataan ang namumuong masamang panahon 570 kilometro silangan ng Aparri, Cagayan.
Sabi ni wetaher forecaster Obet Badrina na maaring magdulot ang LPA ng kalat-kalat na pag-ulan sa Cagayan Valley at sa Cordillera region.
Nagbabala ang ahensiya sa posibilidad ng flashflood at landslides dahil sa pag-ulan.
Bagamat aniya ang habagat pa rin ang nakakaapekto sa malaking bahagi ng bansa at ito ang nagpapa-ulan sa Visayas, Mindanao, Bicol Region, Mimaropa, Zambales, Bataan at Quezon.
Ang natitirang bahagi ng Luzon naman ay maaring ulanin ngayon hapon dahil sa localized thunderstorm.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.