Pagbili ng gobyerno pinababantayan ni Pangulong Marcos Jr.

By Chona Yu August 23, 2023 - 11:29 AM

PCO PHOTO

Pinatitiyak ni Pangulong Marcos Jr. na nakalatag ang safeguards para sa mga online procurements sa gobyerno.

Sa sectoral meeting sa Malakanyang, sinabi ni Pangulong Marcos Jr., na dapat na bantayan din ang overpricing ng pagbili ng mga gamit. Sabi pa ng Pangulo, hindi maaring basta na  lamang dapat buksan sa lahat ang mga kukuning suplay ng gobyerno mula sa isang potential suppliers gamit ang online transaction. Dagdag pa nito, kailangang mabigyan ng accreditation ang mga kausap na seller ng gobyerno ngayong ipinupursige ang procurement system sa pamamagitan ng digital platform. “There will still be an element of accreditation because we cannot just open the market to anything…. (What if) you buy something, you get nothing. A box with nothing inside. ‘Yung ganoon,” pahayag ni Pangulong Marcos. May mga pagkakataon aniya na may mga manloloko sa online transaction. “So, to safeguard against that, kailangan accredited ‘yung kausap natin,” pahayag ni Pangulong Marcos.

TAGS: online, overpricing, procurement, online, overpricing, procurement

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.