TESDA binigyan ng P15.3-B budget sa susunod na taon

By Chona Yu August 23, 2023 - 11:24 AM
Naglaan ang Department of Budget and Management (DBM) ng P15. 3 bilyong pondo para sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) para sa susunod na taon. Ayon kay Budget Sec. Amenah Pangandaman, pagtupad ito sa layunin ni Pangulong Marcos Jr. na bigyan ng maayos na edukasyon at mapalakas pa ang skills development ng mga kabataang Filipino. Sabi pa ni Pangandaman, bukod sa pagpapalakas sa ekonomiya ng bansa, tutukan din ng gobyerno ang human capital development sa pamamagitan ng pagbibigay ng maayos na edukasyon. “Access to quality education will also be at the forefront of the government’s education agenda through the Universal Access to Quality Tertiary Education (UAQTE),” pahayag ni Pangandaman. Sa budget message ni Pangulong Marcos, sinabi nito na kailangan tutukan ang job at skills mismatch sa bansa. “By implementing targeted programs and initiatives, we can bridge the gap between job requirements and workers’ skills by equipping them with the necessary expertise to thrive in evolving industries. As the country’s economy continues to recover and the need for more skilled workers continues to rise, it is crucial to retrain, reskill, and retool our workforce,” dagdag ni Pangulong Marcos. May nakalaan din na P3. 4 bilyon para sa TESDA’s Free Technical-Vocational Education and Training initiative kung saan makikinabang ang nasa 38,179 enrollees at 10,126 graduates. Samantala, P200 milyon din na inilaan para sa  education assistance sa Private Educational Student Financial Assistance (PESFA) program na magbibigay ng training fees at allowances sa 9,708 estudyante at  8,737 na graduates.

TAGS: Budget, Tesda, Vocational, Budget, Tesda, Vocational

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.