Cash padala, e-cash transfers bawal bago ang BSKE elections
Magpapatupad ang Commission on Elections (Comelec) ng “money ban” limang araw bago ang Barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE) sa darating na Oktubre 30.
Paliwanag ni Comelec Chairman George Erwin Garcia ang mga mahuhuli na may bitbit na kalahating milyong piso pataas at ang makikipag-transaksyon sa pamamagitan ng e-wallets sa 20 katao ay ipagpapalagay na sangkot sa “vote buying.”
Pagbabahagi ni Garcia noong 2015 ay ang tanging pinigilan ay ang pag-withdraw ng P500,000 at ngayon ay binago nila ang istratehiya.
Hindi naman sasakupin ng “money ban” ang mga messenegr, cashier at iba pang empleado na bahagi ng trabaho ay ang pagdadala o paglilipat ng pera sa mga kompaniya.
Ayon kay Garcia ang limang araw bago ang eleksyon ang ipinapalagay na panahon ng bilihan ng boto.
Nangako naman ang pambansang pulisya na bagamat maghihigpit sa checkpoints at inspections isasagawa nila ito ng may paggalang at pag-iingat.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.