P17 minimum fare sa jeep inihirit

By Jan Escosio August 23, 2023 - 08:14 AM

Naghain ng petisyon ang ilang transport groups sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para madagdagan ng P5 ang minimum fare sa pagsakay sa mga pampasaherong jeep.

Bukod dito, nakasaad din sa petisyon ang gusto nilang dagdag P2.80 sa bawat kilometro ng biyahe matapos ang unang apat na kilometro.

Inihain ng Pasang Masda, Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO), at Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines (ALTODAP) ang petisyon.

Kasabay nito, hiniling din nila na aprubahan muna ng LTFRB ang P1 provisional fare hike, kasama na ang pasahe sa modern jeepneys.

Ang lumulubong presyo ng mga produktong-petrolyo ang dahilan ng mga grupo sa kanilang petisyon.

Sinabi ni Obet Martin, pangulo ng Pasang Masda, na batid nila na hindi aaprubahan ang P5 dagdag pasahe at maaring aniya sa negosasyon ay ang mapagkasunduan ay P2.

Sasakupin ang hinihiling na dagdag pasahe ay ang Metro Manila muna at maghahain din ng katulad na petisyon sa Gitnang Luzon at Calabarzon.

 

TAGS: fare hike, Jeepney, ltfrb, oil price hike, transport groups, fare hike, Jeepney, ltfrb, oil price hike, transport groups

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.