3 drug suspects patay sa engkwentro sa QC

shabuPatay ang tatlong hinihinalang drug suspects nang maka-engkwentro sila ng mga tauhan ng District Anti-Illegal Drugs-Special Operations Task Group ng Quezon City Police District (QCPD).

Ayon kay QCPD Deputy District Director for Operations Sr. Supt. Joselito Esquivel, naganap ang engkwentro bandang alas-10:00 ng gabi ng Biyernes sa may kahabaan ng Forest Street sa Diliman, malapit sa Central Avenue.

Ani pa Esquivel, tinutugis ang tatlong notorious na mga drug suspects dahil sila ay pinaghihinalaang miyembro ng Joselito Gonzales drug group.

Isa aniyang poser buyer ang makikipagkita sa isa sa mga suspek para bumili ng shabu na nagkakahalagang P10,000.

Nang makumpirma ng mga pulis na nagbebenta ng droga ang suspek, huhulihin na sana nila ito ngunit tumakbo ito papasok sa drug den kung saan nabaril din ang iba pang drug users, ngunit ang limang iba pa na nasa lugar ay nakatakas din.

Nakuha ng mga pulis ang impormasyon tungkol sa mga suspek mula sa mga nauna nang sumukong drug users at pushers sa QCPD sa nakalipas na mga araw.

Read more...