P2 bilyong pondo para sa cancer patients, inilaan ng DBM

By Chona Yu August 22, 2023 - 08:47 AM

 

Naglaan ang Department of Budget and Management ng P2 bilyong pondo para sa pagpapagamot sa mga pasyente na may sakit na cancer.

Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, alinsunod ito sa mga prayoridad ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sabi ni Pangandaman, nakapaloob ang pondo sa 2024 National Expenditure Program (NEP).

Ayon kay Pangadaman, nasa 18,695 cancer patients ang makikinabang sa pondo na nasa ilalim ng Prevention and Control of Non-Communicable Diseases.

Saklaw din nito ang pagbili sa 61 na ibat ibang cancer commodities gaya ng Trastuzumab 600 mg/5mL, Docetaxel 40 mg/mL, at Paclitaxel 6 mg/mL.

“Kapag nakikita ko ang mga pasyente, lalo na ‘yung mga bata… minsan, hindi ko mapigilan umiyak. But I know in my heart that I need to be strong. And I remain strong in finding better ways to give them all the help and support they need,” pahayag ni Pangandaman.

Sabi ni Pangandaman, may P1 bilyong pondo rin ang nakalaan sa Cancer Assistance Fund (CAF) para tulungan ang may 6,666 na cancer patients.

 

 

TAGS: Amenah Pangandaman, Budget, cancer, news, Radyo Inquirer, Amenah Pangandaman, Budget, cancer, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.