P70 flagdown rate sa taxi inihihirit

By Jan Escosio August 22, 2023 - 07:05 AM
Hiniling muli ng grupo ng taxi operators sa bansa sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na dagdagan ng P30 ang kanilang flagdown rate bunsod na rin ng patuloy na pagtaas ng halaga ng gasolina.   Sinabi ni Bong Suntay, pangulo ng Philippine National Taxi Operators Association na may nakabinbin silang motion for reconsideration dahil ang kanilang unang petisyon ay hindi pinagbibigyan ng LTFRB.   Binanggit nito na ang kasalukuyang flagdown rate na P40 ay noon pang 2017 sinimulang ipatupad, kung kailan sabi ni Suntay ang gasolina ay P38 kada litro.   Aniya noong nakaraang taon, pinayagan lamang sila ng P5 dagdag sa pasahe.   Ayon kay Suntay bagamat insulto sa kanila ang dagdag-pasahe kayat hindi na lamang nila ito ipinatupad.

TAGS: Bong Suntay, fare hike, taas pasahe, Taxi, Bong Suntay, fare hike, taas pasahe, Taxi

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.