P1.10 kada litro na taas-presyo sa gasolina, P0.20 sa diesel bukas

INQUIRER PHOTO

Panibagong dagdag pasanin sa mga motorista at sa mga operator at driver  ng mga pampublikong sasakyan, gayundin sa mga may-ari ng mga negosyo at konsyumer.

Muling tataas ang halaga ng mga produktong-petrolyo bukas, P1.10 kada litro sa gasolina, P0.20 sa diesel at P0.70 sa kerosene.

Ito na ang ika-pitong sunod na pagtaas sa diesel at kerosene.

Nadagdagan na ng P11 ang halaga ng kada litro ng diesel simula noong Hulyo. Samantala, ang presyo ng gasolina ay tumaas na ng P13.40 at P5.14 sa kerosene.

Sa huling pagtaas ng mga presyo noong nakaraang linggo, P1.90 sa gasolina, P1.50 sa diesel at P2.50 naman sa kerosene.

Ang paggalaw sa mga presyo, ayon sa mga eksperto, ay bunsod ng ekonomiya ng China at pagbawas sa produksyon, gayundin ang lumalakas na halaga ng dolyar kontra sa piso ng Pilipinas.

Read more...