Quantum Golf sa Pasig City binuksan na sa publiko

By Jan Escosio August 19, 2023 - 05:49 PM
May lugar na para sa mga gustong subukan ang golf.   Binuksan na sa publiko kamakailan sa Ortigas, Pasig City ang isang indoor golf facility, ang Quantum Golf.   Ayon kay Ian Umali, isa sa mga may-ari, hindi ordinaryong golf course ang Quantum Golf, dahil ito ay nasa loob ng gusali.   Inokupahan nila ang unang tatlong palapag ng gusali, sa ikatlong palapag ang 10 hitting bays, isang putting green, gym at isang bar.   Sa ikalawang palapag naman ay isang mini golf course at restaurant, samantalang sa unang palapag ay food court.   Kuwento ni Umali, naisipan nila na buksan ang Quantum Golf upang magkaroon ng ibang mapapaglibangan ang mga may interes sa laro.   Aniya ang ginagamit nilang teknolohiya ay katulad sa US, kung saan maaring magsimulang magsanay para lalo pang humusay sa golf.   Nag-aalok din sila ng golf lessons hindi lamang sa beginner o nais mapaghusay pa ang kanilang “golf skills.”   Noon pang nakaraang taon nagsimula ang operasyon ng Quantum Golf, ngunit noong Martes lamang ito pormal na binuksan para sa publiko.   Tiwala ang negosyante na tatangkilikin sila dahil libong indibiduwal na ang tumugon sa kanilang layon.   Pagbabahagi pa ni Umali, labis nilang ikinagulat ang pagdagsa ng mga tao at sa katunayan aniya ay inaasahan nila na sa loob ng anim na buwan pa sila makakabawi, ngunit sa loob lamang ng tatlong buwan ay pumatok na ng husto ang Quantum Golf.

TAGS: Golf, indoor, Golf, indoor

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.