Dalawa patay sa engkwentro sa Manila

By Chona Yu August 19, 2023 - 03:02 PM

(Photo: MPD)

 

Patay ang dalawa katao matapos magkaroon ng engkwentro ang mga pulis at dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo sa Santa Cruz Manila.

Ayon sa ulat ng Manila Police District, nasawi sa engkwentro ang isang sibilyan na si Rosemarie Depaudhon na tinamaan ng ligaw na bala.

Isinugod  pa si Depaudhon sa Jose Abad Santos General Hospital subalit binawian din ng buhay.

Patuloy naman na inaalam ng mga pulis ang pagkakakilanlan ng isa sa mga nasawi na sakay ng motorsiklo.

Nabatid na nagsasagawa ng Oplan Sita ang mga tauhan ng MPD nang harangin ang isang motorsiklo na may dalawang lalaki sa Rizal Avenue malapit sa Soler Street Santa Cruz.

Nang pinara ang motorsiklo, biglang bumunot ng  kalibre .45 na baril ang isa sa mga sakay ng motorsiklo dahilan para gumanti ng putok ang mga pulis.

Nagtamo ng sugat sa kanang kamay ang isa sa mga pulis na nakilalang si Police Corporal Raymark Laurena habang tinamaan naman sa kaliwang tainga si Police Corporal Raymond Ocampo.

Narekober sa lugar ng insidente ang isang kalibre .45 na baril, magazine at mga bala.

TAGS: encounter, manila, MPD, news, Radyo Inquirer, encounter, manila, MPD, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.