Prieto Diaz, Sorsogon niyanig ng 4.7 magnitude na lindol

 

Niyanig ng 4.7 magnitude na lindol ang Prieto Diaz, Sorsogon kaninang 2:35 ng umaga, Agosto 19.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, tectonic ang origin ng lindol na may lalim na 107 kilometro.

Naramdaman ang Intensity III sa Prieto Diaz Sorsogon at Intensity II sa Magallenes at Bulusan sa Sorsogon.

Wala namang inaasahang aftershocks matapos ang lindol.

Wala ring naiulat na nasirang ari-arian.

 

 

Read more...