Intermittent stops sa ilang kalsada sa Metro Manila, ipatutupad para sa FIBA Basketball World Cup

 

Magpapatupad ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng intermittent stops sa ilang lugar sa Metro Manila.

Ito ay para bigyang daan ang pagdating sa bansa ng mga delegado at mga manlalaro sa FIBA Basketball World Cup 2023 na gaganapin sa Agosto 25 hanggang Setyembre 10.

Ayon sa abiso ng MMDA, ipatutupad ang intermittent stops sa kahabaan ng Epifanio delos Santos Avenue, Kalayaan Avenue, Diokno Boulevard, Roxas Boulevard, Andrews Avenue, Sales Road  at iba pang ruta ng FIBA.

Nasa 1,303 na personnel ang ipapakalat ng MMDA sa mga apektadong lugar.

Magsisilbing giya aniya ang mga personnel para sa pangangasiwa sa daloy ng trapiko at mga motorista.

 

Read more...