Archbishop Tagle, may apela kay Duterte kaugnay sa pag-unlad ng bansa

tagle ash wednesdayUmaapela si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle kay incoming President Rodrigo Duterte na pagsikapan na mapaganda pa ang buhay ng mga Filipino at lagay ng bansa.

Ayon kay Tagle, bagamat sinikap ni outgoing President Benigno Aquino III ang lahat ng magagawa para mapaganda ang Pilipinas, may mga bagay pa aniya na naiiwan na kailangan pang tapusin.

Wala aniyang sinuman o anumang grupo na makapagsasabi na nagawa ang lahat at naresolba na ang labat ng problema sa bansa.

Bukod sa kahirapan, pangunahing problema pa rin ng bansa ang kriminalidad at illegal na droga.

Katunayan, makailang beses nang ipinag-utos ni Duterte sa Philippine National Police at iba pang law enforcement agency na patayin ang sinumang kriminal na manlalaban kapag inaaresto.

Gayunman, tumanggi na si Tagle na magkomento sa kautusan ni Duterte at iginiit na hindi pa niya nababasa ang mga naging pahayag ng susunod na pangulo ng bansa.

Read more...