Nanawagan si Senator Raffy Tulfo sa Department of Migrant Workers (DMW) na huwag paasahin ang overseas Filipino workers (OFWs) sa Saudi Arabia na naghihintay ng mga hindi nabayaran nilang suweldo.
Inusisa ni Tulfo kay Migrant Workers Secretary Susan Ople ang inanunsiyo nito na ang nabinbing suweldo ng OFWs ay hawak na ng Ministry of Finance ng Saudi Arabia.
Idinagdag pa ni Migrant Workers acting Sec. Bernard Olalia na may pangako na si Crown Prince Mohammed bin Salman na ipo-proseso na ng kanilang gobyerno ang hindi nabayarang suweldo ng OFWs bagamat wala itong naibigay na petsa kung kailan ito mangyayari.
Nauna nang sinabi ni Foreign Affairs Usec. Eduardo de Vega na huwag umasa na maibibigay ang suweldo ng 10,000 OFWs.
Ito ang nagbunsod kay Tulfo para sabihin na hindi dapat paasahin ang OFWs sa pamamagitan ng mga pahayag mula sa mga hindi naman siguradong impormasyon.
“Marami sa ating mga pobreng OFW ang na-excite dahil dito pero hanggang ngayon ay wala pa ring perang sumasayad sa palad nila. Dapat ay magbigay kayo ng time frame,” bilin ng senador.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.