DOE walang inaasahang “grid alerts” hanggang sa katapusan ng 2023
By Jan Escosio August 18, 2023 - 04:20 PM
Walang nakikitang aberya ang Department of Energy (DOE) sa suplay ng kuryente kasabay nang pagtatanghal ng FIBA World Cup 2023 ngayon buwan at sa pagsasagawa ng Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Oktubre.
Ayon sa kagagawaran walang inaasang “power grid alerrs” sa Luzon hanggang sa pagtatapos ng taon.
Sinabi ni Energy Assistant Secretary Mario Marasigan sapat ang kapasidad ng mga planta kasama na ang pagbabalik-operasyon ng Ilijan power plant sa Lobo, Batangas kayat magkakaroon pa ng reserba sa Luzon grid.
Ang Ilijan power plant ang pinakamalaking liquified natural gas facility sa bansa at pinagmumulan ng 10 porsiyento ng pangangailangan sa kuryente ng Luzon.
Sinabi din ni Marasigan na sapat at may reserba din sa suplay sa Mindanao bagamat aniya may pagdududa pa kung maaabot ng mga planta ang “full capacity.”
Maari naman magtaas ng yellow alert sa Visayas tuwing hapon o gabi dahil sa 316 megawatts lamang ang reserbra, bagamat tiniyak ni Marasigan na madali itong mareresolba.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.