Online consumer protection bill nadepensahan ni Sen. Mark Villar
By Jan Escosio August 18, 2023 - 04:14 PM
Matagumpay na nadepensahan ni Senator Mark Villar ang Senate Bill No. 1846 o ang Internet Transactions Act of 2023.
Sinabi ni Villar na sa panukala, kapwa mabibigyan ng proteksyon ang online sellers at customers sa mga maling gawain sa e-commerce.
“It will address the pressing need to ensure that Filipinos can harness the benefits of the digital world without compromising their privacy and security,” aniya.
Paliwanag niya, sa panukala ay may pananagutan na rin ang digital platforms kapag may kapalpakan ang online seller at nagresulta ito sa danyos sa kustomer. Nakapaloob din sa panukala ang code of conduct sa lahat ng uri ng e-commerce business para mapangalagaan at maisulong ang interes ng mga konsyumer.“Maganda po na we discuss the concerns of our fellow senators. The purpose is to make ITA future proof so that its application will not be limited especially sa hindi pa available na business model at this point,” dagdag pa ng senador.
Umaasa na lamang si Villar na sa susunod na linggo ay masisimulan na ang pag-amyenda sa ilang probisyon sa panukala.Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.