Australian Prime Minister Anthony Albanese bibisita sa Pilipinas
(Photo: Reuters)
Bibisita sa bansa si Australian Prime Minister Anthony Albanese sa Setyembre 7 hanggang 8.
Ayon sa pahayag ng Presidential Communications Office, ito ang unang pagkakataon na bibisita aang isang Australian Prime Minister sa bansa simula noong 2003.
Makikipagpulong si Albanese kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Setyembre 8.
Inaasahang sa pagpupulong ng dalawang lider, magpatitibay ang ugnayan ng Pilipinas at Australia lalo na sa usapin sa kalakalan,economic development , defense at security pati na ang maritime affairs.
Nabatid na ang pagbisita sa bans ani Albanese ay bunga ng official visit ni Australian Foreign Minister Penny Wong sa bansa noong buwan ng Mayo kung saan nangako ito na magbibigay ang kanilang gobyerno ng drone technology sa Philippine Coast Guard.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.