Pinoy patay sa wildfire sa Hawaii

 

Patay ang isang Filipino sa wildfire sa Maui island sa Hawaii.

Ito ang kinumpirma ng Department of Foreign Affairs.

Ayon kay DFA Undersecretary Eduardo de Vega, nakilala ang nasawi na si Alfredo Galinato.

Sabi ni de Vega, isang naturalized US citizen si Galinato at tubong Ilocos.

Tinutulungan na aniya ng DFA ang pamilya ni Galinato.

Sa ngayon, 66 na Filipino na ang tinulungan ng Philippine Consul sa Hawaii na naapektuhan ng sunog.

 

Read more...