Presyo ng bigas magiging matatag sa mga susunod na araw

By Chona Yu August 18, 2023 - 10:45 AM

 

Kumpiyansa si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na magiging stabilize o matatag ang presyo ng bigas sa mga susunod na araw.

Ito ay dahil sa magsisimula na ang panahon ng pag-ani ng palay.

Ayon sa Pangulo, nagsimula nang mag-ani ng palay ang mga magsasaka sa Nueva Ecija, Isabela at North Cotabato kung kaya malaki ang maiaambag nito sa suplay sa bansa.

Sabi ng Pangulo, mahigpit na binabantayan ng pamahalaan ang presyo ng bigas.

Sinabi naman ni Agriculture Undersecretary Dr. Leo Sebastian, na ang inisyal na ani ng mga magsasaka sa Isabela, Nueva Ecija at North Cotabato ay umabot sa 900,000 metrikong tonelada.

“Palay harvest will peak in late September to October, contributing largely to the country’s second semester (July to December) production, estimated at more than 11 million metric tons (MMT),” pahayag ni Sebastian.

“Barring strong typhoons in the coming months that may adversely affect Central and Northern Luzon, we are aiming to harvest up to 11.5 MMT in the second semester of the year. This would breach the 20-million MT total national palay production, making it a record, being the highest in the country’s history,” dagdag ni Sebastian.

Una nang tiniyak ni Pangulong Marcos sa publiko na sapat ang suplay ng bigas sa bansa hanggang matapos ang El Niño phenomenon sa susunod na taon.

Ginawa ng Pangulo ang pahayag sa pakikipagpulong sa industry players sa pangunguna ng Private Sector Advisory Council and the Philippine Rice Stakeholders Movement (PRISM) sa Palasyo ng Malakanyang.

“The rice situation is manageable and stable. There is enough rice for the Philippines up to and after the El Niño next year,” sabi ni Pangulong Marcos.

 

 

TAGS: Bigas, Ferdinand Marcos Jr., news, Radyo Inquirer, Bigas, Ferdinand Marcos Jr., news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.