Seguridad sa concert sa MOA, hinigpitan na ng PNP

By Chona Yu June 25, 2016 - 12:17 AM

concert moa
Kuha ni Chona Yu

Mahigpit na seguridad ang ipapatupad sa malaking konsyerto sa moa open grounds ngayong araw upang matiyak na hindi na magkakaroon ng panibagong insidente.

Mismong si Pasay Police Chief Senior Supt. Joel Doria na ang personal na magbabantay sa lugar.

Ayon kay Doria aabot aniya sa tatlumpong libong tao ang inaasahang dadalo sa konsyerto ng MTV Asia na lalahukan ng mga international at local music artist.

Dahil diyan, tiniyak ni Doria na hindi sila malulusutan ng mga taong maaaring magbenta ng iligal na droga dahil popostehan nila ng sapat na bilang ng mga nakasibilyan at nakaunipormeng pulis ang loob at labas ng lugar.

Wala naman aniya silang naging problema sa pagpapatupad ng bagong security plan sa mga organizer ng malaking event.

Nagsimula naman ang konsyerto kaninang alas-5:00 ng hapon at inaasahang magtatagal hanggang hatinggabi.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.